Inilabas ni Attorney General Bonta ang 2022 na Ulat sa Hate Crime (Krimeng Dulot ng Poot), Binigyang-diin ang mga Patuloy na Pagsisikap para Labanan ang Poot

Tuesday, June 27, 2023
Contact: (916) 210-6000, agpressoffice@doj.ca.gov

Sa gitna ng pagdami ng iniulat na hate crime, hinimok ng Attorney General ang mga lokal na partner sa buong California na pagtuonang muli ang paggawa ng aksyon 

Nag-isyu ng updated na Law Enforcement Bulletin na nagbibigay-diin sa mga bagong batas at gabay na makakatulong sa imbestigasyon, pagsasagawa ng legal na paglilitis, at pag-iwas sa mga hate crime 

LOS ANGELES – Inilabas ngayon ni California Attorney General Rob Bonta ang 2022 na Ulat ng California sa Hate Crime, at binigyang-diin ang impormasyon at mga mapagkukunang sumusuporta sa mga patuloy na pagsisikap na labanan ang poot. Sa pangkalahatan, tumaas ng 20.2% ang iniulat na mga kaganapan sa hate crime, na mula 1,763 noong 2021 hanggang 2,120 noong 2022. Pinakanangunguna pa rin ang mga iniulat na hate crime laban sa mga Itim at tumaas ng 27.1% mula 513 noong 2021 hanggang 652 noong 2022, habang bumaba naman ang iniulat na mga kaganapan sa hate crime laban sa taga-Asia ng 43.3% mula 247 noong 2021 hanggang 140 noong 2022, at tumaas ang iniulat na mga kaganapan sa hate crime na nauugnay sa diskriminasyon sa sekswal na oryentasyon, na tumaas ng 29% mula 303 noong 2021 hanggang 391 noong 2022. Sa gitna ng pagtaas na ito ng mga iniulat na paglabag at kaganapan sa hate crime, hinimok ni Attorney General Bonta ang mga lokal na partner at tagapagpatupad ng batas na repasuhin ang mga mapagkukunan na binigyang-diin sa araw na ito at muling pagtuonan ang paggawa ng aksyon.

Bilang bahagi ng mga pagsisikap na iyon, nag-isyu ngayon si Attorney General Bonta ng updated na Law Enforcement Bulletin sa lahat ng abogado ng distrito, hepe ng pulisya, sheriff, at ahensya na tagapagpatupad ng batas sa estado ng updated na buod ng maraming batas sa California na nagbabawal sa mga hate crime o nagbibigay ng karagdagang multa para sa mga partikular na gawaing nauugnay sa poot, pati na rin ang gabay may kinalaman sa imbestigasyon at pagsasagawa ng legal na paglilitis sa mga hate crime. Patuloy na nananawagan ang Attorney General sa tagapagpatupad ng batas, mga nahalal na pinuno, at organisasyon sa komunidad sa lokal na antas sa buong estado na tumulong sa pagbibigay kamalayan sa mga available na mapagkukunan at paigtingin ang mga pagtugon sa hate crime sa California.

“Matinding paalala ang ulat na ito na marami pang dapat gawin upang labanan ang poot sa ating estado. Hinihikayat ko ang mga lokal na partner at tagapagpatupad ng batas na repasuhin ang mga resultang ito at muling pagtuonan ang paggawa ng aksyon,” ayon kay Attorney General Bonta. "Patuloy na nakikipagtulungan ang aming tanggapan sa tagapagpatupad ng batas, mga nahalal na pinuno, at organisasyon sa komunidad sa buong estado upang paunlarin ang kamalayan at paigtingin ang mga pagtugon sa mga hate crime. Ang pag-atake sa isa ay pag-atake sa ating lahat. Ang nakakaalarmang pagdami ng ginagawang krimen laban sa mga Itim, LGBTQ+ at mga Hudyo sa dalawang magkakasunod na taon ay nagpapakita ng pangangailangan na magkaisa ang ating mga komunidad laban sa poot. Kailangang magtulungan tayong lahat upang labanan ang extremism at itaguyod ang ligtas at inklusibong kapaligiran para sa lahat ng mga taga-California. Ngayon natin lalong kailangang magkasamang manindigan — walang lugar ang poot sa California.”

Patuloy na nakatuon ang Kagawaran ng Hustisya ng California sa pagkolekta at pag-uulat ng mahalagang data na ito sa mga hate crime, na nagpapatuloy mula noong 1995. Naiiba ang mga hate crime sa mga hate incident (insidenteng dulot ng poot), na mga aksyon o pag-uugali na inuudyokan ng poot na maaaring protektahan ng Unang Amendment sa karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag. Kasama sa mga halimbawa ng mga hate incident ang pagtawag gamit ang nakakasakit na pangalan, pang-iinsulto, at pamamahagi ng materyal na naguudyok ng poot sa mga pampublikong lugar. Kung nagiging banta na sa isang tao o ari-arian ang hate incident, maaari itong maging hate crime. Dati nang karaniwang hindi naiuulat ang data ng hate crime at aminado ang Kagawaran ng Hustisya ng California na hindi sapat ang data na ipinipresenta ng mga ulat nito upang ipakita ang aktwal na bilang ng mga kaganapan sa hate crime na nangyari sa estado. Maaari ding mag-ulat ng mga crime incident sa California Civil Rights Department CA v. Hate hotline at online portal anumang oras sa 15 wika o sa pamamagitan ng pagtawag sa (833) 866-4283 o 833-8-NO-HATE, Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 6 p.m., at makipag-usap sa sinanay na ahente ng mga sibil na karapatan sa higit sa 200 wika. Maaaring mag-iwan ng voicemail sa labas ng mga oras na iyon o tumawag sa 211 upang mag-ulat ng hate incident at humingi ng suporta mula sa propesyonal na sinanay sa komunikasyon na may kakayahang kultural at mga kasanayang may kaalaman sa trauma. 

Kasama sa ilan sa mga pangunahing natuklasan mula sa 2022 na Ulat ng California sa Hate Crime ay: 

  • Sa pangkalahatan, tumaas ng 20.2% ang mga kaganapan sa hate crime mula 1,763 noong 2021 hanggang 2,120 noong 2022. Isang beses lang nangyayari ang kaganapan sa hate crime pero maaaring may kasama itong higit sa isang paglabag sa hate crime. Halimbawa, maaaring pinagbabantaan habang sinasaktan ang isang tao; sangkot dito ang maraming paglabag sa hate crime sa loob ng iisang kaganapan sa hate crime. 
  • Naiulat ang 2,589 na paglabag sa hate crime sa California, na tumaas ng 16.6% mula 2021.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa hate crime na dulot ng diskriminasyon sa sekswal na oryentasyon ng 29% mula 303 noong 2021 hanggang 391 noong 2022.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa Itim o African American ng 27.1% mula 513 noong 2021 hanggang 652 noong 2022.
  • Tumaas ang krimen sa diskriminasyon laban sa Hispanic mula 197 noong 2021 hanggang 210 noong 2022.
  • Bumaba ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa taga-Asia mula 247 noong 2021 hanggang 140 noong 2022, bumaba ng 43.3%.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa mga Hudyo ng 24.3% mula 152 noong 2021 hanggang 189 noong 2022.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa Protestante mula 2 noong 2021 hanggang 12 noong 2022.
  • Tumaas ang mga krimen sa diskriminasyon laban sa Islam (Muslim) mula 18 noong 2021 hanggang 25 noong 2022.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa transgender mula 38 noong 2021 hanggang 59 noong 2022.
  • Tumaas ang mga kaganapan sa diskriminasyon laban sa bakla (lalaki) ng 28.4% mula 211 noong 2021 hanggang 271 noong 2022
  • Tumaas ang mga krimen sa diskriminasyon laban sa tomboy mula 27 noong 2021 hanggang 33 noong 2022.
  • Mula 2021 hanggang 2022, tumaas ang mga hate crime na ni-refer para sa pagsasagawa ng legal na paglilitis ng 5.9% mula 610 noong 2021 hanggang 647 noong 2022. Sa 647 na hate crime na ni-refer para sa pagsasagawa ng legal na paglilitis, 456 na kaso ang inihain ng mga abogado ng distrito at nahalal na abogado ng lungsod. Sa 122 kaso na may available na disposisyon para ulat na ito, 43.4% ang mga hatol para sa hate crime at 45.9% ang iba pang hatol.

Nag-isyu si Attorney General Bonta ng serye ng mga ulat, gabay, at mapagkukunan upang matulungan ang publiko at tagapagpatupad ng batas na mas maunawaan at tugunan ang mga hate crime sa California. Dahil sa patuloy na hamong inihaharap ng hate crime, hinimok ng Attorney General ang mga pinuno sa buong estado at mga miyembro ng publiko na repasuhin at gamitin ang mahahalagang mapagkukunan, kasama ang updated na law enforcement bulletin na ibinubuod ang nalalapat na mga sibil at kriminal na batas sa hate crime, gabay para sa mga piskal upang mapatibay ang pagsasagawa ng legal na paglilitis at pagpapatupad, at mga pulyeto at fact sheet sa higit sa dalawang dosenang wika upang tulungan ang mga taga-California na tukuyin at tugunan ang mga kaganapan sa hate crime. Noong 2021, naglabas din si Attorney General Bonta ng isang espesyal na ulat sa mga hate crime laban sa taga-Asia sa panahon ng pandemic, na nagbibigay ng mahalagang konteksto at pagsusuri tungkol sa kamakailang pagtaas ng mga kaganapan sa hate crime laban sa taga-Asia.

Inilunsad ni Attorney General Bonta ang Racial Justice Bureau, na, bukod sa iba pang bagay, sumusuporta sa mas malawak na mandato ng Kagawaran ng Hustisya ng California na isulong ang mga karapatang sibil ng lahat ng taga-California sa pamamagitan ng pagtulong sa mga bago at patuloy na pagsisikap na labanan ang poot at diskriminasyon. Noong 2021, sinumulan ng Attorney General ang aktibong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pinuno ng lungsod sa 13 pinakamalalaking lungsod sa California sa pamamagitan ng mga roundtable sa San Francisco, Oakland, Sacramento, San Diego, Riverside, Long Beach, Santa Ana, San Jose, Stockton, Anaheim at Bakersfield. Lubos na nakatuon ang Attorney General sa mas malawak na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na dati nang tinatrato na hindi mahalaga at kulang sa representasyon at, noong Hulyo 2021, inilunsad din ang Office of Community Awareness, Response, and Engagement (Tanggapan ng Kamalayan sa Komunidad, Pagtugon, at Pakikipag-ugnayan) upang direktang makipagtulungan sa mga organisasyon sa komunidad at miyembro ng publiko bilang bahagi ng pagsisikap na isulong ang hustisya para sa lahat ng taga-California. Sa Hunyo 2022, itinalaga ang isang hate crime coordinator sa loob ng Dibisyon ng Kriminal na Batas sa Kagawaran ng Hustisya ng California upang higit pang tulungan ang mga pagsisikap ng estado at lokal na tagapagpatupad ng batas na labanan ang hate crime.

Hinikayat ang mga miyembro ng publiko na siyasatin ang pinakabagong data sa hate crime data sa OpenJustice.

Kung naniniwala ka na naging biktima ka o ang kakilala mo ng hate crime, abisuhan ang lokal na tagapagpatupad ng batas at pag-isipang gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Kung talagang nanganganib ka, tumawag sa 911 at kung kinakailangan, humingi ng medikal na atensyon.
  • Isulat ang eksaktong mga salitang ginamit at tandaan ang anumang iba pang nauugnay na pangyayari.
  • Kung ligtas itong gawin, itago ang lahat ng ebidensya at kumuha ng mga larawan.
  • Kunin ang impormasyon sa pagkontak sa iba pang biktima at saksi.
  • Makipag-ugnayan sa mga organisasyon sa komunidad sa iyong lugar na tumatalakay sa mga hate crime o incident.

Maaaring repasuhin ang kompletong 2022 na ulat ng California sa Hate Crime dito.

# # #